Thursday, October 05, 2006

walang titulo

Hoy! halika, mag laro tayo
labas tayo dalhin mo baril ko
ikaw kalaban ako ang bida
papatayin kita sa pagtapon ko ng granada

'wag kang umilag dapat itoy iyong saluhin
hindi dapat sila mabibitin
gusto nila ng madugong patayan
itoy ginagawa nilang katatawanan

Hoy! bata, halika laro tayo
hubarin mo damit ko pati na rin sa iyo
tabi ka sakin at akoy halikan
siguradong itoy kanilang magugustuhan

'wag kang umiyak 'wag ka rin pumikit
para sa kanila itoy sarap at hindi sakit/sakim
humiga ka at iyong saluhin ang sakit kong
nakakahawa
gusto nila itong mangyari sa mga gaya mong
batang sariwa

Hoy! tanda, halika laro tayo
akin na sungkod mo at tumayo ka ng diretso
tanggapin mo aking sipa at malalakas na suntok
ako kunwari ay tao at ikaw ay lamok

hindi ka makakailag dahil ikaw ay mahina
sa mundong ito ang mga kagaya mo ang mawawala
sila na matataas ang may kapangyarihan
pera ang kanilang ginagawang diyos-diyosan

Hoy! halika, laro pa tayo
punta tayo doon sa malayo
ikaw tao ako ang diyos
paparusahan kita ng lubos

sinira mo ang aking nilikha
mananagot ka sakin dahil ako ang Bathala
wala kang karapatan, wala kang alam
ikay hindi diyos, tao ka lamang

Hoy! halika, laro pa tayo...
'wag kang matakot, 'wag kang magtago
laro pa tayo...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Powered by eSnips.com